Sunday, May 6, 2012

This is so sweet...

Just An excerpt from online file ...


NARANASAN NIYO NA BA♥?

Yung magising sa umaga na katabi ang taong mahal mo? Habang siya mahimbing pang natutulog? Tapos ikaw nakatitig lang sa kanya at pinagmamasdan ang mukha niya, na nakanganga, humihilik, at gulo-gulo ang buhok?

Alam mo yung pakiramdam na mapapangiti ka nalang dahil nakikita mo siyang ganun ang itchura, pero ni-minsan hindi yun naging hadlang sayo para magbago yung pagmamahal mo sa kanya. Dahil yung pagiging natural niya sa sarili niya eh isa sa mga dahilan kung bakit mas lumalalim lalo yung pagtingin mo dun sa taong mahal mo.

Kaya imbis na ngiting-nakakaloko ang mangyayari dahil nakikita mo siyang tulo laway, ang lakas humilik, buhaghag na ang buhok. Mas umaangat pa din talaga yung ngiting-nakakainlove, kasi alam mo sa sarili mo na talagang mahal mo kung sino talaga SIYA...