Wednesday, July 22, 2009

May sakit kaya akoooh…..

This week, napapansin ko sa sarili, late na ako nakakagising tuwing umaga, Ashwally, hindi naman late na late kasi kung titingnan, hindi naman ako na le- late pa going to office It’s just that maybe I felt not so well starting Monday pa… I experienced dry cough and for the first two days talaga, the feeling sucks. I easily get irritated pa. Well, consequently , if you feel uncomfortable, you can’t just act nicely and do your stuffs properly, di bah?

And yesterday is the worst, I thought I’ll be having a fever, kasi kahit wala maniwala , lalo na sa office, may sakit kaya akooohhh….kasi naman , dalawa sa mga kasama ko ,nauna ng nagkasakit. Syempre, those days, naka absent sila.

Syempre din hindi maiwasan mapag usapan sila habang wala. Kaya hirap talaga kapag wala ka , mapag uusapan ka talaga.. hehehehe.. uso uso pa naman ngaun ang A(H1N1) virus so ung iba ni rerelate nila ung sakit na baka nadapuan na nga ng virus. Eh ako, since parang may mga signs, ganun ba yun,. Ang alam ko dahil sa weather din, lately kasi ulan ng ulan, minsan wala, minsan bigla gaganda sikat ng araw then mga ilang oras ulan na naman.. I remember may mga times na nauulanan ako kahit magpayong pa ako…. Ganun naman di bah.. hehehe.. la silbi ang payong ko..well, may sira na rin kasi ashwally, minsan pa nga nagpapayong na nga ako, may cap pa ako pag lumalabas.. though I do it every weekend lang …...pa cute ba….. wala pa rin pala..siguro pag naipon dun ka nadadapuan ng mga symptoms, so un inuubo lang naman ako on my first day at syempre pag super ubo ka, you felt weak after that. Maubos kaya lakas mo sa kaka release ng very dry cough so magagasgas talaga ang throat mo dun. Hehehe.. so the following day, pag gasgas ang lalamunan mo, therefore para kang magkakaroon ng sore throat . At pag may sore throat pa naman ako, I experience a fever, well, slight lang naman ashwally. But of course, iba talaga pakiramdam kung ubo ka ng ubo tapos masakit pa lalamunan mo… then may fever ka pa…ito ba naman maramdaman mo di ba, wawa talaga ako…promise! Swear din! …..

Akala ko magtutuloy tuloy na akong magkakasakit ng grabe …salamat naman kahapon at na – decide kong bumili ng gamot for myself .. ang mahal nga eh… historically (ika nga), nag pa consult na ako nung nakaraang Mayo sa doctor….ginamit ko na lang ung reseta nung bumili ako ng gamot kasi that time din, ubo lang din ang findings sa akin … OA pa nga eh , ACUTE RESPIRATORY TRACT INFECTION daw.. kakatakot naman ung description kong susumain mo pero I believe simpleng ubo lang naman kasi un..it so happened nasabi ko sa doctor that time parang pa ulit ulit lang ubo ko …….anywayz , balik tayo sa present , ayaw ko pa nga nung una na bumili ng gamot kasi gastos na naman at wala talaga akong ka cash cash.. salamat kahit naiinis ako kasi ginamit ko na naman ung nag iisang secret credit card ko na activated … pero promise I just bought my medicine..wala ng iba…at isa pa magagamit ko naman ung medical benefits ko sa office… hehehe…ipapa reimburse ko na lang which I did after kong bumili..nasubmit ko na nga sa HR namin right away para next week credited na sa Payroll ko..yeheyyy..babayaran ko na lang agad ung bill ko dun .. hehehe.. galing noh ..

Anyway, going back … ngayong araw na ito , though medyo late na rin me nagising kanina. Ashwally kahapon I said to myself if I won’t feel good kinabukasan, aabsent talaga ako.. hehehe.. mag si sick leave ba… but then siguro malakas talaga resistensya ko .. sinasabi kasi ng utak ko, winiwish ko rin grumabe para may reason me talaga to not got to office pero sa isang banda ayoko naman syempre , kakainis ung feeling na hindi maganda pakiramdam mo noh..so far , ito ako, nakapasok sa office. In fact, I woke up very refreshed.. wala na yung dating pakiramdam na gusto ko na lang humilata sa higaan at humilata maghapon kesa pumasok sa work at magtrabaho at ng maka pag rest talaga…. Coollll!!!!

So un ganun talaga ang buhay, mas maganda naman wala kang sakit noh at healthy palagi di bah…Ang hirap din pag wala ka rin pera at kung san mo pagkukuhanan pambili mo ng gamot. Thankful na din ako magaling na ako…. At saka gusto ko na rin kasi mag work out na… three days na akong di nakakapag work out and it stresses me na rin kasi hinahanap na ng katawan kong mag gym…For sure sasakit na naman mga muscles ko in the next few days kasi nakatulog ung muscles for how many days.. kasi pag nag gy gym ka tapos patigil tigil ng ilang araw then mag re-resume ka ulit, madalas sa hindi, sasakit mga muscles mo ulit talaga … pero pag regularly mo naman ulit gagawin, mawawala din un …

Hayyy buhay talaga!!!! Minsan magulo, makulit masalimuot, kinokomplika , anticipating … ano pa ba.... hehehe …. Pero what matters pa rin ay responsible tayo sa lahat ng mga actions natin ..kasi tayo naman gumagawa kung ano makakabuti sa atin eh, walang masisisi kundi tayo rin kung hindi man naging maganda ang kinalabasan ng isang bagay na ginawa natin… un.. that’s life talaga……okies!

No comments:

Post a Comment