...... just sharing this....... Whoever wrote this, sobrang ganda
nito..matatawa ka na lang , promise! kasi truly, un na nga yun
Hehehehe .. enjoy… hay love nga naman!
--------------------------------------------------------------------------------
why do we love ba?
so we can have somebody to talk to?
someone who can be there pag gusto natin gumala?
a person na pwedeng manlibre satin?
taong magbibitbit ng gamit mo? ALALAY for short!
eh pano kung di ka nya mahal? would you still love him/her?
would you still continue to care for that person?
bakit naman hinde? you didnt love that person para magkaroon ka ng
alalay, magkaroon ka ng instant meal dahil libre, taong gagawa ng
assignments mo or projects, or taong mahihila mo if you want to go
out... if thats what you think about love well sorry ang BABAW mo!
loving a person doesn't need to have a criteria na dapat maganda o
guwapo, dapat mabait or understanding, kasi once you fall inlove you
take the risk of accepting dat person kahit maingay sya matulog, yung
hilik ng hilik kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi kayo kasya
pag puno ang jeep!
kahit sobrang moody nya na kulang na lang ay sapakin mo sa inis!
yung sobrang selosa/seloso na pati barkada pinagseselosan..
badtrip diba? and yung napaka-arte OA kung baga! o kahit ano pang things that would turn you off...
hirap tlaga magmahal trying to be PERFECT kase
gusto mong magtagal pero hindi yun ang sagot sa lahat... ACCEPTING
the real person fully kase if you said na mahal mo sya you dont need
to find answers kung bakit mo sya mahal...
kase lahat ng tao nagbabago but if you accept
that person magbago man sya in the middle of your relationship hindi ka masasaktan kase you know that darating
din yun.. tsaka tanggap mo sya ng buo... mahirap gawin pero
masarap subukan dahil wala ng sasaya pa if you let one person feel na
MAHAL NA MAHAL mo sya without asking 4 anything in return... then
you can say wow un pla ang LOVE!
Being happy doesn't mean everything's perfect. It means you've
decided to see beyond the imperfections.... >> Ganda noh… J
==========================================
Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron.
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang
labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo
naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang.
Sus, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only
for stupid people." Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero
dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na
siya ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya
paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang
pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na
tao,
humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam,
nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang
malulungkot, sumasaya.
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong
ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang
ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na
ma-inlove!" biglang WACHA! Ayan na siya.Nang-aasar. Magpapaasar ka
naman. Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao,
ang galing galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang
nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?
Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang
wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan
ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala.
Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"
At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman
nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng
pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi
sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama
pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa
'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya
nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko.
Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay
ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na
lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.
"The best use of LIFE is LOVE.
The best expressions of Love is TIME.
The best time to Love is NOW..."
Reference:
https://www.facebook.com/notes/erwan-bong-raon/ang-nakatutuwang-katotohanan-ng-salitang-pag-ibig/327415585889
Thursday, February 25, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment